Ito ay dapat mapagaralan dahil dito nakasalalay ang buhay ng mas nakakarami at ang mismong buhay natin. Kungito ay hindi natin masosolusyonan tayo ay makakaranas na mas masamang pangyayari at mas nakakagimabalang sakuna. Katulad na lamang ng ginawa namin bilang isang grupo. Kami ay naglista ng lahat ng pwedeng mapuntahan kung sakaling magkaroon ng matinding sakuna sa aming lugar. Naglagay rin kami ng aming pwedeng gawin katulad ng pagipon ng mga gamit na pwedeng maktulong kung sakaling kami ay mangailangan. Dahil dito ako ay mas naging handa at dapat maghanda pa. Dahil dito ako ay pumunta sa aming barangay at nagsagawa ng isang "interview" sa isang barangay official.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh0zfMxfkd65limirlpcxeHoZQ1HyIs3NTJ3PDp713iBtp8J_euMalTS8-EaCn1S3Jxs_TzT9RQAIGp-N8SX_WuHzgMuV3uwvPiAYe3D7BziYV_CsH4Pvfk1H48HYC-jC8TTqDm3FscGKg/s320/10656285_1233952923287359_1187085142_n.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjIuMOriSIe2JlloLMazwPz2doXOmz4MgDQA3fL0MSoKmtTtsblpde6wd8nDLeL4yZt3Rbso0FqXxrmkX-T871hs-vtLs1FqUpxz04zQ-ML1LaAJJWmdWtx0M04t3TsOeHvSFSoxCIUKb4/s320/1964279_1233952879954030_1671508412_n.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh6Sz6gqYmH_04ahI_VDetC0Itq4vR7mZfLkCYMsiGDsHBAwwtfxvHPCXDRUt0E2AdbaPQcTVuBnRMKLrpCzwKy2QqSy5ZRhjO8-GD8R7qsUVaKFhBsOoBNxL7t5esICNvKyHV4N3M1yDQ/s320/10581323_1233952843287367_1235494717_n.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhvSA9qOHNiR4KjRlrEC400Zn-QuTtAwo0eJWEPglDQE_8I0fQfzXKJfmEuVLOqB5ANYsuGvLzEWRwcKYdPxmjI57e0oT1YTKL4-WzU6F3dDCNQgKzt0kItL6lcp5udDqELtrWDh13X3Rc/s320/12387909_1233952859954032_305868834_n.jpg)
Bilang isang mamamayan, ako naman ay dapat rin kumilos upang at komunidad ay maging mas ligtas at maayos kung sakaling magkaroon ng sakuna. Ako ay dapat na makipagtulungan sa aking barangay at sumali sa kanilang mga proyekto ukol sa pagiging ligtas ng ating komunidad. Dapat rin magsimula mismo sa akin ang pagaayos upang ang iba ay makasabay sa mga ito. Tulad ng paglalay ng mga kagamitan at pagsasaayos ng paligid ng aming bahay.
Itong pagpaplano ay di lamang para sa iilan kung hindi ay para sa lahat dahil dito natin mailalagay ang ating komunidad at ang ating sarili sa kaligtasan. Ang sakuna ay biglaan at ito ay hindi namimili ng oras kaya naman ang pagplaplano ay hindi dapat gawin bukas o sa mga susunod na araw, linggo, buwan o taon. Kung hindi ay dapat ngayon na dahil buhay na ng tao ang nakasalalay dito. Ngayon na, para kung sakaling dumating ang di inaasahan tayo ay handa at maalam sa kung ano ang ating gagawin
No comments:
Post a Comment